Kagabi, sinubukan ko ang promo ng KFC na P75.00 para sa tatlong maanghang at malutong na pakpak ng manok at isang kanin. Bumili na rin ako ng maliit na coleslaw pantanggal ng suya. Todo sa sarap naman kase ang pritong manok ng KFC kaya nakakahinayang naman kung hindi ko ito mauubos dahil nagsawa ang aking panlasa.
Nakakatawa sa KFC kase kung hihingi ka ng malaking extra gravy, sisingilin ka nila ng P13.00. Eh di humingi na lang ako ng baso na may takip saka ko nilagyan ng gravy mula sa condiments area nila. Libre pa. P13.00 pala ang halaga ng pagbuhos ng gravy sa bawat baso. Eh kung magtrabaho kaya ako sa KFC na yun lang ang aking gagawin? Astig yun, makapuno lang ako ng isang daang baso, may P1,300.00 na ko. Hula ko wala pang isang oras ko yun gagawin.
Bago ako pumunta ng KFC, dumaan muna ako ng Mini-stop para bumili ng Hot Loops. Panalo ang donut na yun. Matamis na ang topping, may caramel pa na filling. O di ba, sugar-rush.
Pagdating na pagdating ko ng bahay, binuksan ko ang telebisyon, naghugas ng kamay at kumuha ng plato bago sumalampak sa sahig sa mesa sa sala. Hindi ko na nga muna hinubad ang aking suot na sapatos dahil hindi ko na mapigilan ang aking paglalaway. Sarrrrrap!
Pritong manok galore. Panalo.
Ayoko na basahin ang blog ni Mardeekay. Nagtitrip ako magtagalog eh.
*.* as if! @ 11:32:00 AM • • RBJ