Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi
Stig ng Orange and Lemons! Theme song yata toh ng utol kong punk sa pinakamamahal niyang nobya eh. Panalo pati yung video. Lumipad pa sila ng Vietnam yata yun, basta big time kase hindi sa Pilipinas.
Pinapanood ko toh sa Myx nung humirit si Tatay na ang baduy daw ng pinapanood ko. Twilight Zone ba ito?! Nabaduyan si Tatay sa musikang aking kinahihiligan?! Umikot na kase ang gulong ng musikang Pilipino, usong-uso na naman yung EMO[tional] na lyrics na purong Tagalog. Feeling naman ni Tatay cool siya kase nakikinig siya ng Bamboo. Pwede ba...
*.* as if! @ 12:31:00 PM • • RBJ