Meron akong nakita na hindi ko inakalang makikita ko kahit kailan sa buhay ko. Natulala na lang ako. Hindi ito bastos kung yun ang inyong iniisip. Medyo bastos na rin sa mga marurumi ang isip.
Isa lang ang soundtrack na naiisip ko para sa aming gimik - Lifestyles of the Rich and the Famous ng Good Charlotte. Alam nyo na...
Bumaba kame ng Tagaytay ng 11. Nag-drive thru kame ng agahan sa Mcdo. Lintek na *KYLE* yan, kinalimutan order ko. Umikot tuloy ulet kame. Buti na lang kanila ang bahay pahingahaan na aming ginambala.
Binaba nila ako sa Festival Mall kung saan ako nakipagkita kay Francis. Binisita namin si Roselle. Nangako na kase ako sa sarili ko na hindi ko ipagpapaliban ang usapan naming magkita ng aking pinakamamahal na kasalo ng kaluluwa.
Sinundo namin siya sa Saint Clare sa Cabuyao tapos pumunta kame ng Los Baños para makipagkita kay Lou-Anne. Sa wakas, buo na ulet kame, meron pang honorary member na tunay na Tabets.
Napansin ko lang. Tatlo parati kame ng aking mga pinakamalapit kaibigan.
Ako - Roselle - Lou-Anne
Ako - Loiza - Julie
Ako - Chevy - Rossel
Sino'ng nagsabing three's a crowd? Nasa nagdadala lang yan.
Ang saya. Matutulog na ko.
P.S. Paumanhin po, Binibining Leng. Nag-crash yung telepono ko at nabura ang lahat ng numero. Salamat sa pag-imbita at asahan niyo ang aking pagdalo.
*Nung unang beses ko itong isulat, *RYAN* yung nabanggit kong pangalan na may-ari ng bahay pahingahaan. Hindi ko lang alam kung bakit. Sino'ng Ryan naman kaya yung nasa isip ko nung mga panahong iyon?!
*.* as if! @ 8:49:00 PM • • RBJ