Adik na adik ako sa videoke kase dito lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob na kumanta sa harap ng ibang tao. Kadalasan kase, full force lang ang birit ko sa bahay `pag home alone ako at naka-full blast ang volume. Mabuti nang magreklamo ang kapitbahay sa lakas ng tugtog kaysa magreklamo sila kase tila humahagulgol ako. Wala pa naman nagrereklamo kase siguro astig naman yung pinapatugtog ko at masaya na sila sa libreng pakikinig.
Natuwa ako at si Berong nang makita namin na nasa listahan na ang My Boo. Alicia at Usher sana ang drama naming dalawa.
Pinindot ni Berong ang 8089 tapos ay nagulog ng limang piso. Panlima pa sa pila ang kanta namin. Ayuss lang, sulit naman ang paghihintay. Nauna na naming ipinasok ang Burn.
Sa Burn pa lang, medyo na-bwiset na `ko kase buraot yung mga nasa kabilang mesa. Kame na nga ni Berong ang may hawak ng mic, kanta pa rin sila ng kanta na parang naka-megaphone. Hindi ba nila alam na sa Videoke, bawal kumanta ng mas malakas pa sa may hawak ng mic?! Konting respeto naman, limang piso namin yun, hayaan na nilang maging masaya kame.
May nasingit silang kanta kaya ibinigay na muna namin ang mic.
Paglabas ng My Boo, excited na kame ni Berong. Kinukuha ko yung mic nung sagutin ako nung mga buraot na nasa kabilang mesa na kanta daw nila yun. Buti na lang, masaya ako sa palda at sapatos ko - girl na girl, kunyari `di makabasag platong Maria Clara. Hinayaan ko na lang.
Nung malaman ni Dan, nagpumilit s`yang agawin yung mic pero pinigilan ko na. "Hayaan mo na", sabi ko, "Sa mundong `to, meron talagang mga pinanganak na walang konsiderasyon sa kapwa. Sa halagang limang piso, bababa ka ba sa uri nila?"
Yun nga lang, nasira na yung mood namin ni Berong. Ayaw na namin kumanta. Baka kase sa susunod na kanta at agawin nilang muli, ipulupot ko sa leeg nila yung kurdon ng mic bago sila pagsasampalin ng pasala-sala.
Sabi nga ng Spongecola:
Kailangan lang pagbigyan. KULANG LANG SA PANSIN.
Siguro kagabi lang nakakanta sa harap ng maraming tao yung mga buraot na kumag na yun kaya sinugapa na nila.
*.* as if! @ 2:12:00 PM • • RBJ