Nampoocha.
Mula nung binigay mo sa `kin yung password mo, dalawang beses ko lang yata binuksan yung profile mo. Wala naman ako makikita eh! Puro ako rin lang naman nagtiyagang mag-message at magbigay ng testimonial sa `yo. Kinikilig ka naman. Niyaya kita sa Friendster, hindi sa puso ko.
Higit sa lahat, nirespeto ko ang iyong karapatang magkaroon ng privacy. Sabi mo wala kang tinatago, eh di wala.
Binigay ko sa `yo yung password ko, hindi ang karapatang manghimasok. Pinagkatiwalaan kita eh! Sabi mo iba ka. Ngayon, tiyak na `kong lahat ng Bedista, hindi dapat pagkatiwalaan - ng password man, puso o ng kahit ano pa. Puro sarili nyo lang iniisip nyo. Siguro, meron kayong isang subject na yun lang ang itinuturo - kung pano mahalin ang sarili na walang konsiderasyon sa iba.
Alam mo naman kung gaano kahalaga sa `kin yung testimonial na yun. Tanging yun na nga lang pinanghahawakan ko eh. Yun na lang ang nagpapaalala sa `kin na minahal nya rin ako, na hindi ako mag-isang nahulog.
Kung inisip mo na ayos lang sa `kin na pakialaman mo yung profile ko, eh di sana hindi na kita pinagbukas ng sarili mong profile. Sana naghati na lang tayo sa profile ko. Pero hindi, meron ka, yun lang dapat ang pinakialaman mo. Ang kay F ay kay F at ang kay Z ay kay Z.
Huwag mo nang subukan magpaliwanag pa. Sabihin mo man na nais mo lang ang makakabuti sa `kin, hindi yun sapat na dahilan. Wala ka pa sa tamang posisyon para sabihin sa `kin kung ano yung makakabuti sa sarili ko.
Hindi pa nga tayo, ganyan ka na ka-possessive, tingin mo bibigyan pa kita ng pagkakataon na maging tayo? Lagi ko sa `yo sinasabi, hindi pa ko handa pero ang totoo, merong bumubulong sa `kin na meron mali. Female intuition. Kahit kelan hindi pa ko binibigo nitong kutob ko. Ito ang dahilan kaya ko sila nahuli, di ba? Silang lahat. Ngayon, kayong lahat na.
Hinde, hindi ka kasama sa kanila kase sila, MINAHAL KO. Nasaktan ako. Eh ikaw, you were merely an activity partner for me. Ni hindi kita tinuturing na kaibigan. FB? Feeling Boyfriend. Hindi ako manghihinayang kung mawala ka.
Hindi ko na kailangan pang pahirapan ang sarili ko bukas. Pumunta ka sa Frolics nyo at pupunta ako sa party ng brod at sis ko para sa `kin. Enjoy.
`Di ba matagal mo na kong kinukulit na gusto mong mabanggit dito sa blog ko? Ayan, magsawa ka. OO, ikaw. Z, eto na'ng una't huli. At wag na wag mong kakalimutan, nagkahiwalay tayo dahil sa testimonial. Sa susunod mong makikilala, alam mo na.
Ang sakit ng ngipin ko.
*.* as if! @ 5:23:00 PM • • RBJ