Sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo
O ang taong gusto mong mahalin?
Ang taong kasama mo buong araw
O ang taong iniisip mo bago matapos ang araw?
Siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo
O siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo?
Sino ba ang mas mahalaga... yung taong nais mong makasama habang buhay
O yung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala sya?
Sino ang mas matimbang... yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras
O yung taong tuwing iniisip mo'y parang kay bagal ng oras?
Ano ang susundin mo... ang dinidikta mo sa puso mo
O ang dinidikta ng puso mo syo?
Sya ba un laging pumapasok sa isip mo
O sya yung laging laman ng panaginip mo?
Sino nga ba... ang taong nagpaluha syo,
O ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
Sino sa kanila... ang taong nagpapatawa syo
O ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?
Sino nga bang pipiliin mo???
Pero sa totoo lang, hindi naman mahalaga kung tama yung piliin mo e. Mas mahalaga kung ikaw ang pipiliin nya...
*.* as if! @ 2:47:00 PM • • RBJ